"Nang Makita ka"
Nang makita kita mundo ko ay nag-iba
Buhay ko'y nagkakulay at nagkaroon ng sigla
Nang lapitan kita
Puso'y napuno ng kaba
Pag-ibig nga naman pag ika'y tinamaan
Sadyang hindi mo mapipigilan
Saradong puso ko'y iyong binuksan
At mundo ko ay iyong kinulayan
Pagnakikita kita iniisip ko sana tayo na
Paggising ko ikaw ang hinahanap sa tuwina
Lagi kang naglalaro sa isip ko sinta
Araw-araw at gabi-gabi mukha mo aking nakikita
Di man kita mahawakan o makausap
Sa puso ko ikaw parin ang nangunguna
Na lagi kong pinapangarap
Na handa kong makasama sa hirap at ginhawa.